Tuesday, July 02, 2013

Watching A Movie

Gusto ko magkwento... mahabang kwento! Magsalita lang ng magsalita sa pamamagitan ng keyboard! CONSIDER THIS A WARNING.

Amidst the chaos of a super duper mega payday-Friday, Hubs and I went to G4 last Friday. Shempre, traffic on the way there. Nakakalokang traffic! Tapos ang hirap nung level-90ish ng Candy Crush, naubos life ko! Wala akong choice but to watch the other traffic-stuck cars sa paligid.

We reached our destination after an hour and a half. Parang saglit lang naman yun pero without the freaking traffic, it will take you only minutes to get there. So kaka!

Anyways, at least we got there more than an hour before the last full show ng World War Z. Opkors, hindi palalagpasin ni hubbydudes yan -- Zombie movie eh.


Don’t ask me when was the last time we watched a movie in a theater, kasi nakalimutan ko na sa tagal.

When we were on the line to buy tickets, nagsikip ang dibdib ko, the screen showed that there were no vacant seats anymore. Nakakapikon lang. Gusto ko na mag-walkout. Buti na lang, the Hubby was unusually patient that time. He said magtanong na daw kami since andun na rin kami sa pila. Para bang papayag sha maupo sa bench sa gilid ng theater or sa floor if these will be the last resort.

Glad that I listened! Because of the people still lining up for the movie, they opened another schedule for it that will start at 10:40PM! Yebah!

But wait ---

It was only 8:20PM. We were supposed to see the 9:40PM show. Anong gagawin namin sa loob ng mahigit dalawang oras?!?

Yet, I didn’t complain. I went there to watch a movie so I will not leave without watching a movie! Kahit abutin pa kami ng madaling araw!

By the way, earlier that day I called Ate Judith to tell her to tuck Amber to sleep that night because we will be getting home late ni Hubby. Ang sagot ba naman...

Ate Judith: Okay lang yun... syempre hindi naman pwedeng puro trabaho lang, kelangan nagdi-date din paminsan-minsan.

Toinkz! Hanep sa comment ano? Pumi-feeling close! Minsan itong si Ate Judith, may pagka-! Parang wala naman akong sinabi where we’re going. Nag-assume agad?! Malay nya kung may meeting lang sa office di ba?! Well wala namang kaso yun except that she’s being atribida most of the times sometimes. But we love her because she loves Amber. So keri lang.

We did all the things we thought of doing inside the mall just to kill time.

So when the movie begun... inaantok na ko!

But then, the zombies woke me up! Nakakaloka ang mga zombies sa movie na to! Aggressive! Ang liliksi! Para sa mga deads, they’re so full of energy!

So saan ba patutungo itong kwento ko? Wala naman talaga. Gusto ko lang maalala na nakapanood ulit ako ng sine after a very long time of satisfyingly watching lang ng mga pinirata kong movies in the comfort of our own home.

It’s nice to be watching in movie theatres once in a while. But I realized that I like it more to watch movies privately in our own living room. Bakit?

Una, walang mga ulo ng tao na haharang-harang sa screen. Nakakasakit ng leeg makipagpatintero ng ulo sa mga nakaupo sa harap ha!

Pangalawa, if you miss any scenes or a dialogue in the movie, just press rewind on your RC and voila! Kahit paulit-ulit mong gawin yan, walang babato sayo ng popcorn! Titingnan ka lang ng masama ng asawa mo pero wala naman shang magagawa. Pag gusto mo magbanyo, ‘PAUSE’ lang ang katapat!

Pangatlo, madali mong mapapatahimik ang mga kasama mong nanonood dahil kamag-anak mo naman sila. Sa sinehan, mapapaaway ka pa pag sumita ka ng mga discourteous strangers na kahit pinaalalahanan na sila sa simula ng palabas na kailangang tumahimik, eh sige pa rin sa pagsasalita ng malakas o pagbibigay ng unsolicited comments tungkol sa napapanood. At meron pang iba na nagkukwentuhan habang nanonood. Mga pasaway!

Pang-apat, with the exception of some theatres that has lazy boys na pagkamamahal ng ticket, you can be in whatever position you find comfortable in pag nasa bahay ka lang.

There are still more reasons I can think of but I’ll leave it at that for now.

Ang bottom line lang, parang matatagalan ulit bago ako manonood ng sine because although the movie was great, the experience wasn’t. Unless may zombie movie na naman na ipapalabas at yayakagin na naman ako ng zombie-addict kong asawa.

That’s all. Bow.




1 comment:

  1. Ahahaha. I didn't know na addict din si zombie si Neil. O diba, first name basis? Feeling close lng. Actually, si Khan gnun din. Lahat yta ng zombie movies pati nung kopong kopong chinaga niya.

    Tamaaa k jn, iba pdin ang panonood ng movie in the comfort of your own home. Actually, plan nmin bumili ng projector. Since cnt afford pa bumili ng mlking tv, ayun nlng diba? :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...