Di lingid as inyo na madalas ako sumakay sa MRT. Bakit hindi? Sa halagang P15 lang, makakarating ka na sa North EDSA mula sa Magallanes sa loob lang ng 30 minuto. Walang trapik!
Kaso kadalasan, lalo na pag rush hour, isang malaking hamon sa katatagan ang pagsakay sa MRT. Marami na akong nasaksihang di kanais-nais na kaganapan tulad na lang ng nangyari kagabi.
Quarter to 7, di na naman mahulugan ng karayom ang MRT!
Habang nasa likod ako ng isang kumpol ng tao, nagyukuan ang mga tao sa bandang unahan na tila may hinahanap. Yun pala, nawawala ang sapatos nung babae sa harapan. Nakiyuko din ako. Tinulungan na namin shang maghanap pero wala. Dahil nasa bandang harapan sya, di maiwasang isipin namin na nauna nang sumakay ang isang kapares na sapatos nya sa nagdaang tren. Sana lang alam nung sapatos kung saang istasyon sha bababa para ma-reunite sha sa nagmamay-ari sa kanya.
Makaraan ang 3 tren, in-announce sa paging system na ang susunod na tren ay bakante at sa aming itasyon lang magsasakay. Nag-cheer ang mga tao! Parating pa lang ang maluwag na tren, daig pa namin ang sinasalpok ng higanteng alon sa mga 8-wave pool resorts! Tulakan dito tulakan doon, di pa man humihinto ang malaking uod!
Sinwerte na napunta ako sa bandang unahan dahil sa tulakan. Nakapasok ako sa tren nang di ko namalayan! Napasigaw ang isang babae. Paglingon ko, josme! May babaing nakadapa sa bandang pintuan. In fairness, marami ang tumulong sa kanya para maitayo sha. Sa pagitan ng mga tao sa harapan ko, nasilip ko na parang lumusot ang isa nyang paa sa siwang sa pagitan ng platform at tren. Napasambit na lang ako na sana hindi sha nasaktan.
Kung gano ka-challenging ang pagsakay, ganun din ang pagbaba! Pagdating ko sa Shaw Blvd station, kung saan ko imi-meet ang asawa ko, tulakan pa rin bago makalabas ng tren! Habang isinisiksik namin ang katawan namin palabas ng tren, may sumigaw sa bandang loob ng “Can I go out first?”, na sinagot naman ng isa ng “Kung makakalipad ka dito, sige, mauna ka na!”. Ay, ka-iinit ng ulo ng mga tao!
And I therefore conclude... ang MRT pag rush hour, is not for the fainthearted! :-/
kaloka sis,naiimagine ko nga yung scenario.aliw yung eksena ng babae na nawalan ng sapatos.sana lang nagkita pa sila after that.tipong agaw buhay palagi eksena sa MRT.hehe.
ReplyDeletekaloka talaga sis! whenever madaming tao sa mrt, i silently pray na sana nothing bad will happen. minsan nai-imagine ko yung sarili ko na nawalan ng shoes or nangudngud sa tren kaya super cautious ako pag tulakan na e.
ReplyDeleteWinner ang nagsabing "Can I go out first?" Gusto niya pala mauna dapat 2 stations plng bago cya bumaba lumapit na sya sa pinto ng MRT :)
ReplyDeletenaalala ko nung huli ako sumakay ng MRT ay last June nung nag renew ako ng passport sa DFA. grabe parang di na ko makahinga sa dami ng tao. naalala ko yung isang lalaki, pagbukas nung pinto sa ayala station, halos mag-dive na sya papasok para lang maisiksik nya ang sarili nya! wala sya paki kahit masaktan yung mga tao na nandun na sa loob. tsk tsk tsk! kaloka ang tren dito sa tin hehehe
ReplyDelete@em- ay oo sis, daming ganyan sa mrt. what's even funny is that she said it with accent talaga. alam naman nyang puro masa ang nasa mrt, so ayun, nakatikim sha ng dagger looks. well, sana lang nakababa sha sa tamang station. hehe.
ReplyDelete@jenggai- korek ka sis! nakakawindang! hindi ako sumasakay dun sa mga common coaches, scared ako. hehe. good thing they have yung segregation scheme. yung unahang coach, for females, elders and handicapped only. kaso ang mga girlash pag rush hour, nagiging mga amasona. grabe!